^

Bansa

PNoy very good! - SWS

- Ni Butch Quejada/Angie dela Cruz -

MANILA, Philippines - Nananatiling very good ang performance ng pamahalaang Aquino sa huling quarter ng 2011.

Sa latest survey ng Social Weather Stations (SWS) na naipalabas nitong Lunes, lumabas na 67 percent ng mga respondents ang satisfied sa performance ng Aquino government sa huling tatlong buwan ng nagdaang taon, 21 percent naman ang hindi sigurado at 11 percent ang dissatisfied.

Ipinapakita sa survey na pito sa 10 katao ay kun­tento sa pamamalakad sa bansa ni Pangulong Aquino.

Higit na nagpatingkad sa very good performance ng Aquino administration ang pagtulong sa mga biktima ng kalamidad  (58); pagtulong sa mga may kapansa­nan (55) at pagtulong sa mga mahihirap  (51).

Good naman ang performance ng pamahalaan sa pagpromote sa kapa­kanan ng mga OFWs (46), pagkilala sa karapatang pantao (45), ugnayang panlabas (43), paglinang ng turismo (35), paglaban sa krimen (34), at pagkakaroon ng malinaw na polisiya (34).

Ang naturang survey ay isinagawa sa may 1,200 respondents noong nagdaang December 7, 2011

Ang naturang rating ay nagpapakita lamang na mas mataas pa rin ito sa nagdaang administrasyon mula February 1989.

Ikinalugod naman ng Malakanyang ang mataas na public satisfaction sa pamahalaang Aquino.

vuukle comment

AQUINO

HIGIT

IKINALUGOD

IPINAPAKITA

MALAKANYANG

NANANATILING

PANGULONG AQUINO

SOCIAL WEATHER STATIONS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with