Rollback tinotoo

MANILA, Philippines - Matapos ihayag ng Department of Energy (DOE), tinotoo nga ng mga kumpanya ng langis ang pagbaba sa presyo ng petrolyo.

Unang nag-anunsiyo ng P0.25 na pagbabawas sa kada litro ng gasolina ang Flying V na epektibo alas-12:01 ng hatinggabi habang P0.80 sentimos na­ man ang bawas sa kada litro ng kanilang diesel.

Dakong alas-6:00 ng umaga kahapon nang sabay-sabay na nagpatupad din ng pagtatapyas ng P0.20 sentimos kada litro ng premium at unleaded gasoline ang Petron, Pilipinas Shell, Chevron, Total, Eastern Petroleum at Sea Oil, P0.40 sa regular gasoline, P0.80 sentimos sa diesel at P0.90 sentimos naman sa kerosene.

Nauna rito, nag-anun-siyo noong nakaraang linggo ang Department of Ener­­gy (DoE) sa posibleng pag­ tatapyas ng presyo ng diesel ngayong pagpasok ng linggo matapos bumaba ang halaga nito sa panda-igdigang pamilihan.

Gayunman, nilinaw ni Iris Reyes ng Total Philip­pines na hindi lamang ang paggalaw sa presyo ng la­ngis sa pandaigdigang pamilihan ang pinagbabatayan nila sa pagpapataw ng dagdag o pagtatapyas ng presyo ng kanilang produkto kundi pati na rin ang umiiral na palitan ng piso sa dolyar.

Ito’y matapos ang apat na magkakasunod ng oil price hike sa pagsisimula ng Enero dulot umano ng tensyon sa Gitnang Silangan dahil sa Iran.

Show comments