^

Bansa

Kuwarto bullet proof

-

MANILA, Philippines - Ang presidential suite na nasa ground floor ng VMMC ang isa sa pinakamalaking kuwarto ng pagamutan.

May lawak itong 150 square meters kumpleto sa mga gamit tulad ng telebisyon, aircon, sala, kitchen, dalawang kuwarto para sa security at mga staff ni Gloria na kapwa may mga bathroom.

Ang sala ay maaring maka-accomodate ng may 30-35 guests at bullet proof ito.

Ayon kay Dra. Nona Legaspi, director ng Ve­terans hospital, ang nasabing kuwarto ay tatlong beses nang nagamit, una ay noong panahon ni da­ting pangulong Ferdinand Marcos na na-confine noong 1970 dahil sa sakit na Lupus, ikalawa ay si Estrada at ngayon ay si Arroyo.

Hinggil naman sa gastusin ni Arroyo sa pa­nanatili sa VMMC, sinabi ni Defense spokesman Director Peter Paul Galvez na kasalukuyan pa silang nagpupulong sa bagay na ito kung sasagutin ng gobyerno.

Noong isailalim si Erap sa hospital arrest sa VMMC sa tuwing ililipat ito ng kulungan ay gumagasta ang dating administrasyong Arroyo ng P5 milyon.

Samantala, tiniyak naman ni PNP Chief Director General Nicanor Bartolome na walang VIP treatment na ibibigay ang mga police custodian kay Arroyo.

At tulad aniya ng ka­utusan ng korte ay bawal ang gumamit ng cellphone at computer si Rep. Arroyo kaya magpapatupad sila ng mahigpit na seguridad sa buong ospital lalo na sa pagsala sa mga bibisita sa dating punong ehekutibo.

vuukle comment

AYON

CHIEF DIRECTOR GENERAL NICANOR BARTOLOME

DIRECTOR PETER PAUL GALVEZ

DRA

ERAP

FERDINAND MARCOS

HINGGIL

NONA LEGASPI

NOONG

SAMANTALA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with