^

Bansa

Arraignment kina Mikey, misis pinalilipat ng araw

- Ni Angie dela Cruz -

MANILA, Philippines - Hiniling sa Quezon City court ni Ang Galing Pinoy Partylist Rep. Mikey Arroyo at kanyang asawang si Angela na ipagpaliban sa ibang araw ang arraignment sa kanila kaugnay ng kasong tax evasion ng mga ito.

Takdang basahan ng sakdal ang mag-asawa sa sala ni QC Regional Trial Branch 100 Presiding Judge Marie Christine Jacob sa Nobyembre 9.

Sa isang omnibus motion na isinampa kahapon sa sala ni Judge Jacob, hiniling ni Arroyo sa pamamagitan ng kanyang abogadong si Atty. Ruy Rondain na ipagpaliban muna ang pagbasa ng sakdal sa kanilang mag-asawa at payagan sila na makapunta sa US mula Nob. 14 hanggang Dis. 7, 2011 para sa isang semi-official business.

Pinaghinalaan naman ng ibang kritiko na biglang nais umalis ng bansa ni Rep. Mikey Arroyo puntang Estados Unidos kasabay ng ina at amang sina Pampanga Rep Gloria Arryo at Mike Arroyo na nais ding mangibang bansa dahil naman sa pagpapagamot ni CGMA.

vuukle comment

ANG GALING PINOY PARTYLIST REP

ANGELA

ESTADOS UNIDOS

JUDGE JACOB

MIKE ARROYO

MIKEY ARROYO

PAMPANGA REP GLORIA ARRYO

PRESIDING JUDGE MARIE CHRISTINE JACOB

QUEZON CITY

REGIONAL TRIAL BRANCH

RUY RONDAIN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with