Mga guro nagpasaklolo sa DepEd

MANILA, Philippines - Umaapela sa pamunuan ng Department of Education (DepEd) ang mga guro sa Region 3 partikular ang mga nasa Bulacan at Pampanga na pagkalooban sila ng dagdag na allowance bunsod ng patuloy na nararanasang pagbaha sa kanilang lugar.

Ayon kay Atty. Domingo Alidon, pinuno ng DepEd Employees Union, dumaraing nga­yon ang mga guro sa Bulacan at Pampanga at humihingi ng saklolo sa gobyerno.

Sinabi ni Alidon, nahihirapan na umano ang mga nabanggit na guro sa kanilang pagtuturo dahil sa patuloy pang nararanasan na pagbaha sa maraming bayan sa Bulacan at Pampanga.

Aniya, marapat uma­nong kumilos ang gobyerno at pagkalooban ng tulong ‘financial’ ang mga guro na apektado ng pagbaha para maisaayos ang mga tahanan nilang nasira.

Show comments