^

Bansa

Hinay-hinay kay GMA - Belmonte

- Gemma Amargo-Garcia -

MANILA, Philippines - Pinagdadahan-dahan ng liderato ng Kamara ang Malacañang sa pagsasampa ng mga kaso laban sa administrasyon ni dating Pangulong Gloria Arroyo.

Ayon kay House Spea­ker Sonny Belmonte, kailangang maglabas muna ng matibay na katibayan ang gobyerno bago isampa ang kaso.

Nababahala ang House speaker na matulad lang ito sa mga malabnaw na impeachment noon na isinampa laban kay Arroyo na naibasura dahil sa kakulangan ng ebidensya.

Mas mabuti umano kung magiging sigurado ang hakbang ng gobyerno para mapapanagot ang mga nagnakaw sa kaban ng gobyerno.

Una nang inihayag ng Palasyo na posibleng maisampa na sa susunod na buwan ang sangka­tutak na kaso laban kay Arroyo at mga umano’y kasabwat nito.

Sa kabila nito, iniha­yag din nito na kampante naman ang Pangulo na malakas ang ebidensya para isulong ang kaso laban sa dating Presidente.

Deretsahang sinabi ni Aquino sa kanyang pagsalita sa Annual Forum ng Foreign Correspondents Association of the Philippines (FOCAP) na sa Nobyembre na isasampa ang kaso hinggil sa mga anomalya ng nakaraaang administrasyon na kinakalkal ngayon ng mga legal experts ng Malacañang.

vuukle comment

ANNUAL FORUM

AQUINO

AYON

DERETSAHANG

FOREIGN CORRESPONDENTS ASSOCIATION OF THE PHILIPPINES

HOUSE SPEA

KAMARA

MALACA

PANGULONG GLORIA ARROYO

SONNY BELMONTE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with