Shamcey, 3rd runner-up

MANILA, Philippines - Tinanghal na 3rd runner-up ang pambato ng Pilipinas na si Shamcey Supsup sa Ms. Universe pageant na ginanap sa Sao Paolo, Brazil.

Bagaman hindi nakuha ni Supsup, 25, ang titulo ay ipinakita naman nito ang angking talino ng Pilipino.

Agad namang binati ni Pangulong Aquino si Supsup at anya, ang pagpasok ni Supsup sa top 5 ay malaking karangalan na para sa bansa.

“We congratulate Miss Supsup for winning the 3rd runner-up in the Miss Universe pageant. Mala­king karangalan ang hinatid ni Supsup para sa bansa,” pahayag ng Pangulo.

Tinanghal na Miss Universe ang Miss Angola, 1st runner-up naman ang Miss Ukraine, 2nd runner-up si Ms. Brazil habang 4th runner-up si Miss China.

Isang ‘heroes welcome’ na ang ihahanda ng mga kababayan ni Supsup sa General Santos City sa kanyang pag-uwi sa bansa.

Ayon pa sa Pangulo, ang pumasok lamang si Supsup sa top 5 mula sa 89 contestants ay mala­king karangalan na para sa bansa dahil naipakita natin na hindi lamang ganda kundi talino ang katangian ng mga Filipina.

Show comments