^

Bansa

Presyo ng sardinas tataas

- Angie dela Cruz, -

MANILA, Philippines - Nakatakdang tumaas ang presyo ng limang brand ng sardinas alinsunod sa pag-apruba ng Department of Trade ang Industry (DTI) sa hinihirit na dagdag presyo ng limang manufacturers na magiging epektibo sa darating na buwan ng Setyembre.

Anim na porsiyento o katumbas ng 25 hanggang 30 sentimos kada lata ang hinihinging dagdag presyo ng apat na sardines manufacturers habang 75 sentimos naman ang isang manufacturer.

Dahil dito, mula sa kasalukuyang P12.25 pres­yo nito, ito’y magiging  P13.25 bawat lata.

Paliwanag ni DTI Undersecretary Zenaida Maglaya, sa pag-aaral ng ahensiya sa hinihi­ling na dagdag presyo ng mga manufacturers ay nakitaan nilang may sapat na dahilan ang mga ito upang magtaas ng presyo.

Ang mataas uma­nong halaga ng gas na ginagamit sa fishing vessel gayundin ang mataas na presyo ng isda tulad ng tamban na siyang ginagamit sa paggawa ng sardinas ang pangunahing dahilan ng pagtaas ng presyo ng sardinas.

Ngunit nilinaw naman ni Maglaya na kung may pagtaas sa presyo ng sardinas, asahan naman ang pagbaba ng presyo ng tinapay.

Ito’y dahil  na rin sa pa­tuloy na pagbaba ng presyo ng trigo sa world market na pangunahing sangkap sa paggawa ng harina.

Nagpahiwatig na umano ang ba­kers group kaugnay sa plano nitong pagbaba sa presyo ng tinapay.

vuukle comment

DAHIL

MAGLAYA

NAGPAHIWATIG

NAKATAKDANG

NGUNIT

PALIWANAG

PRESYO

ZENAIDA MAGLAYA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with