MANILA, Philippines - Iniutos kahapon ni Pangulong Benigno Aquino III ang promosyon ng lady cop na nanguna sa pakikipaglaban sa mga rebeldeng New People Army (NPA).
Hiniling ni Pangulong Aquino kay DILG Sec. Jesse Robredo na itaas kaagad ng ranggo ng National Police Commission (Napolcom) si Inspector Charity Galvez dahil sa katapangang ipinamalas nito sa pakikipaglaban nito sa mga NPA.
Nanguna si Insp. Galvez sa 30 pulis na nakipaglaban sa may 200 NPA na sumalakay sa Trento, Agusan del Sur.
Naluha naman si Galvez sa tinanggap nitong pagkilala mula sa Pangulo at sa kanyang meritorious promotion.