No fees sa mga iskul, iniutos ni Bistek

MANILA, Philippines - Ipinag-utos ni Quezon City Mayor Herbert M. Bautista sa Division of City Schools na ipatupad ang “no collection” sa mga bayarin at “no selling” ng mga workbooks sa 96 na public elementary at 46 public high schools sa lungsod.

Ang hakbang ay ginawa ni Bautista bilang reaksiyon sa natanggap na ulat na ilang public elementary at high schools ay naniningil ng mga bayarin sa mga mag-aaral tulad ng registration fees kahit na ipinagbawal ito ng Department of Education (DepEd).

Nainis din si Bautista nang malamang ilang workbooks ng mga mag-aaral ay naibebenta sa mga estudyante tulad ng textbook publications na binebenta ng mga sales agents sa mga paaralan para bilhin ng mga magulang ng mga mag-aaral.

Una nang inutos ni QC Division of City Schools officer-in-charge Dr. Corazon Rubio sa mga principal sa ibat -ibang public elementary at high school na sundin ang utos ng DepEd hinggil sa “no collection” order kundi ay mahaharap sa kasong administrative.

Show comments