MANILA, Philippines - Binatikos ng oposisyon si Pangulong Benigno Aquino III dahil sa kabila ng pagbibigay nito ng blanket authority kay incoming DOTC Sec. Mar Roxas ay inanunsiyo din nito ang pagbabalik sa LTO ng kanyang shooting buddy na si Virginia Torres.
Sinabi ni Minority Leader Edcel Lagman at Quezon Rep. Danilo Suarez, may conflict kaagad sa mga pahayag ni Pangulong Aquino dahil inanunsyo nito ang pagbabalik sa LTO ni Torres pero binibigyan daw niya ng blanket authority si Roxas na pumili ng kanyang magiging tao sa DOTC.
“Parang hindi tama yun, hoc can you have a free hand tapos sasabihin mo na retain ang isang dating puwesto na under sa DOTC.Mukhang contradicting yun, if Torres is back to her position,” dagdag pa ng mga mambabatas.
Wika pa ni Lagman, paiimbestigahan nila sa Kamara ang gulo sa pagitan ng LTO at Stradcom na kinasangkutan ni Torres sa grupo nina Bonifacio Sumbilla at Aderito Yujuico na umaangking sila ang tunay na may-ari ng Stradcom.