^

Bansa

Divorce bill ipinapaapura

- Gemma Amargo-Garcia -

Manila, Philippines - Umapela kahapon ang isang babaeng kongresista sa kanyang kapwa mga mambabatas na madaliin ang pagpapasa ng Divorce bill upang mabigyan umano ng pagkakataon ang mga mag-asawa na magkaroon ng opsyon sa sandaling hindi na sila masaya sa kanilang mga asawa.

Ito ang panawagan ni Gabriela Womens party list Representative Luz Ilagan kasunod ng ulat na ang resulta ng nakaraang referendum sa Malta ay pabor sa legalisasyon ng diborsyo sa isa sa pinamakalaking Catholic Mediterranean island.

Dahil sa nasabing re­ferendum kung kaya inaasahang maipapasa ang isang panukalang batas na magliligalisa sa diborsiyo. Tanging ang Pilipinas na lamang ang bansa sa mundo na walang divorce law maliban na lamang kung mabilis itong aksyunan ng kongreso, paliwanag ni Ilagan.

Nabatid na nakatakdang talakayin ng Committee on Revision of Laws ang House Bill 1799 o “An Act Introducing Divorce in the Philippines” na inihain nina Gabriela Womens party list Representatives Ilagan at Emmi de Jesus.

Nakasaad sa panukalang batas ang limang grounds para sa paghahain ng petition for divorce kabilang dito na kung ang mag-asawa ay nagkahiwalay sa loob ng limang taon at ang mga legally separated sa loob ng dalawang taon samantalang ang grounds for legal separation ay maari din i-apply ng katulad ng grounds na maaring na­ging dahilan ng pagbagsak ng kanilang pag sasama

Kinikilala din sa natu­rang batas ang ground na psychological incapacity na isa sa dahilan bunsod sa kabiguan upang makasunod sa pangunahing marital obligations at irreconcilable differences na nagbubunga ng pagkasira ng pagsasama ng mag asawa.

Iginiit ni Ilagan na kinakailangan nang maipasa ang Divorce law sa bansa dahil sa ang pagkuha ng annulment sa Pilipinas ay napakamahal habang sa legal separation ay wala namang karapatan ang naghiwalay na mag-asawa na muling magpakasal.

Idinagdag pa ng mam­babatas na matutugunan din ng divorce bill ang karahasan sa pagsasama ng mag-asawa at siguradong makikinabang dito ang mga kababaihan na inaabuso ng kanilang mga asawa.

 Base sa datos ng Philippine National Police (PNP), lumalabas na noong 2009, mayroong 19 kababaihan ang biktima ng marital violence kada araw kung saan nangu­nguna dito ang wife battery na umabot sa bilang na 6,783 o 72 porsiyento.

Samantala, pabor si  House Speaker Feliciano Belmonte   sa divorce bill.

Sinabi ni Belmonte na, sa kanyang personal na opinyon, pabor siya sa divorce bill dahil mayroong mga mag-asawa na hindi na kayang patuloy pang magsama kaya maraming social problem na lumalabas bunsod nito.

Sa kabila nito maari naman umanong itagu­yod ng mag-asawa ang kanilang mga anak kahit na magkahiwalay ang mga ito.

Ipinaliwanag ni Belmonte kung, hindi na ta­laga kaya pang magsama ang mag-asawa sa kabila ng effort nila na magkasundo, dapat umano ay pabayaan na lamang sila.

vuukle comment

AN ACT INTRODUCING DIVORCE

ASAWA

BELMONTE

CATHOLIC MEDITERRANEAN

DIVORCE

GABRIELA WOMENS

HOUSE BILL

HOUSE SPEAKER FELICIANO BELMONTE

MAG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with