Batas sa mag-aabandona ng magulang

MANILA, Philippines - Hiniling ni Sen. Panfilo Lacson na ipasa ng Senado ang kanyang panukalang batas laban sa mag-aabandona sa kanilang mga magulang lalo sa oras ng panga­ngailangan ng mga ito.

Sinabi ni Sen. Lacson, hindi dapat iniiwan o inaabandona ng mga anak ang kanilang magulang lalo kung maysakit ito o hindi kayang buha­yin ang kanilang sarili.

Anya, layunin ng kan­yang Senate Bill 2819 na lalong patatagin ang Filipino family ties kung saan ay dapat alagaan ng mga anak ang kanilang mga magulang lalo sa kanilang pagtanda at ang paglabag dito ay ituturing na isang krimen.

Sinumang magulang ay puwedeng magsampa ng kanilang petisyon sa korte upang suportahan sila ng kanilang mga anak sa sandaling iwanan sila nito. 

Layunin din ng panukala ang pagtatayo ng Old Age Home for the elderly, maysakit o may kapansanang magulang sa bawat lalawigan o lungsod.

Ang mga anak na mapapatunayang lumabag sa 3 sunud-sunod na buwan ay pagmumultahin ng P100,000 o kulong hanggang 6 na buwan habang kapag napatunayang inabandona ang kanyang magulang ay makukulong ito hanggang 10 taon at multang P300,000.

Show comments