^

Bansa

DepEd kapos ng 6,500 school principals

- Ni Mer Layson -

MANILA, Philippines - Bukod sa kakapusan ng mga school building at mga guro, kakulangan din ng mga school principal ang nakatakdang sumalubong sa Department of Education (DepEd) sa pagbubukas ng school year 2011-2012 sa Hunyo.

Base sa record ng DepEd, noong 2008 ay kapos na ng kabuuang 4,668 na school principal ang bansa.

Lumobo pa umano ito noong 2009 at 2010 at ngayong pasukan ay tinatayang nasa 6,500 ang kakulangan ng mga principal sa ibat-ibang pampublikong paaralan sa bansa.

Ayon kay Education Secretary Armin Luistro, sa nakalipas na 2010 National Qualifying Examination for Principal (NQEP) ay wala pa sa 10 posiyento ang nakapasa sa mga examinees.

Nabatid na may kabuuang 9,778 ang kumuha ng pagsusulit pero 924 lamang sa mga ito ang pinalad na makapasa sa exam.

Sinabi pa ng kalihim, para mapunan ang kakulangan ng mga school principal ay magtatalaga muna ang DepEd ng teachers in charge sa nasabing posisyon.

vuukle comment

AYON

BUKOD

DEPARTMENT OF EDUCATION

EDUCATION SECRETARY ARMIN LUISTRO

HUNYO

LUMOBO

NABATID

NATIONAL QUALIFYING EXAMINATION

SINABI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with