Sky Police iikot sa MM

MANILA, Philippines -  Aarangkada na sa Metro Manila ang Sky Police na naglalayong mapalakas pa ang pagsugpo laban sa mga organisadong sindikatong kriminal tulad ng mga bank robbery, carjacking, kidnap for ransom, atbp.

Ang Sky Police o ang mga pulis na sakay ng PNP helicopter ay magpapatrulya sa himpapawid at tutulong sa pagtugis laban sa mga organisadong sindikatong kriminal upang mapabilis ang pag-aresto laban sa mga ito.

Dalawang helicopter ng PNP ang gagamitin sa operasyon nito na binubuo ng tig-5 elite forces sa bawat isang chopper.

Show comments