MANILA, Philippines - Ngayon isusumite kay Pangulong Aquino ang pinal na listahan ng 12 priority bills ng Aquino administration kabilang ang Responsible Parenthood bill.
Sinabi ni Executive Secretary Paquito Ochoa Jr., ngayon ang deadline na ibinigay ng Pangulo sa kanyang Gabinete para maisumite ang pinal na priority bills.
Wika ni Sec. Ochoa, ang pinal na priority bills na ito ang isusumite naman ng Pangulo sa Legislative Executive Development Advisory Council (LEDAC) meeting sa susunod na linggo.