^

Bansa

Lozano inilibing na

- Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines - Inihatid na kahapon sa kanyang huling hantungan sa Loyola Memorial Park sa Marikina City ang labi ng pinaslang na car dealer na si Emerson Lozano.

May 50 kapulisan ng Quezon City Police District (QCPD) ang nagsilbing security forces sa libing.

Alas 12:30 nang alisin sa St. Peter’s chapel ang labi ni Emerson patungo sa Holy Family Parish Church sa QC kung saan nagkaroon ng necrological services. Pasado alas-2 ng hapon nang tuluyang ihatid ang labi.

Nakasuot ng puting damit ang pamilya Lozano habang may nakasabit namang mga puting lobo sa mga naka-convoy na mga sasakyan.

Dumalo rin sa nasabing libing ang butihing Speaker ng Kamara na si Hon. Sonny Belmonte, mga kaanak at malalapit na kaibigan.

Linggo ng gabi nang matagpuan ang sunog na bangkay ni Emerson sa bakanteng lote sa Porac, Pampanga matapos dukutin ng sinasabing carjackers.

vuukle comment

DUMALO

EMERSON LOZANO

HOLY FAMILY PARISH CHURCH

INIHATID

KAMARA

LOYOLA MEMORIAL PARK

MARIKINA CITY

QUEZON CITY POLICE DISTRICT

SONNY BELMONTE

ST. PETER

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with