^

2 pamilya nagrambol sa NAIA

- Butch M. Quejada () - December 31, 2010 - 12:00am

MANILA, Philippines - Dalawang Filipino-Chinese families ang nag-rambulan sa arrival area ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 2 matapos silang dumating ga­ling Singapore sakay ng Philippine Airlines flight PR 512, kamakalawa.

Ang pangyayari ay nasaksihan ng may 200 pasahero ng nasabing eroplano kabilang dito ang mga immigration em­ployees, customs personel at ang mga umawat na miyembro ng MIAA police.

Kinilala ng mga awtoridad sa paliparan sina Ernesto Sy ng Bel Air Village,  Makati City at ang nakalaban nitong sina Patrick Llamado Chua at Henson Chua, ng Magsaysay St., Manila.

Ayon sa ulat, nag-umpisa ang suntukan habang nakapila ang mga ito sa arrival immigration area.

Napag-alaman na nag­karoon ng singitan sa pila sa immigration kaya umano nagkamurahan hanggang sa humantong ito sa suntukan.

Gayunman dahil sa nangyari, dinala ng mga awtoridad sa paliparan ang dalawang pamil­ya para ipagharap ng reklamong alarm and scandal.

Ayon sa impormas­yon, nagkasundo din umano ang dalawang pamilya matapos magsilamig ang mga ulo nito.

AYON BEL AIR VILLAGE DALAWANG FILIPINO-CHINESE ERNESTO SY HENSON CHUA MAGSAYSAY ST. MAKATI CITY NINOY AQUINO INTERNATIONAL AIRPORT PATRICK LLAMADO CHUA PHILIPPINE AIRLINES
  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with