Ambush: Konsehal grabe, anak dedo

MANILA, Philippines –  Patay ang isang 18-anyos na lalaki habang sugatan namang nakaligtas ang kanyang ama na Konsehal matapos na pagbabarilin ng mga armadong lalaki sa kahabaan ng Don Pablo Lorenzo Street sa Zamboanga City kahapon ng umaga.

Kinilala ni P/Supt. Edwin de Ocampo, provincial police director ang napaslang na si Benhur Akmad habang ginagamot naman sa Zamboanga City Medical Center si Ibno Akmad, 42, konsehal sa Barangay Balas sa bayan ng Lamitan, Basilan.

Base sa inisyal na imbestigasyon, dakong alas- 10 ng umaga habang naglalakad sa bisinidad ng city hall ang mag-ama sa downtown ng Zamboanga City nang harangin at pagbabarilin ng motorcycle-riding gunmen.

Pinaniniwalaan namang may kinalaman sa pulitikang pambarangay sa Lamitan, Basilan ang motibo ng pamamaril sa mag-ama.

Show comments