'Wednesday Group' ng Senado nag-reunion
- Ni Malou Escudero () - December 12, 2010 - 12:00am

MANILA, Philippines –  Natuloy kamakalawa ng gabi ang reunion ng “Wednesday Group” ng Senado na nagkawatak-watak sa nakaraang presidential election.

Kumpleto ang grupo nina dating Vice President Noli de Castro at mga dating kasamahan sa Mataas na Kapulungan na sina Senators Manny Villar Jr., Ralph Recto, Joker Arroyo at Francis Pangilinan na halos magkakasunod na dumating sa Christmas Party na may temang dekada 80’s.

Mistulang nagparinig naman si Villar kina Pa­ngilinan at Recto nang sabihin nito na kilala niya ang mga tumulong sa kaniya at mga hindi tumulong noong nagdaang presidential elections kung saan natalo siya ni Pangulong Aquino.

Bagaman at miyembro ng Wednesday Club, si Aquino ang sinuportahan nina Recto at Pangilinan noong nagdaang eleksiyon.

“Kilalang-kilala ko naman iyong mga tumulong sa akin maski iyong mga hindi tumulong kilalang-kilala ko rin,” sabi ni Villar.

Pero sinabi rin ni Villar na naka-moved on na siya at ginugunita nila ang kanilang mga pinagsamahan sa Wednesday Club kaya nagkaisa silang mu­ling magsama-sama.

Wika naman ni Pangi­linan, hindi nila maaring isantabi na lamang ang ilang taong pinagsamahan sa Wednesday Club.

Mistulang hinikayat rin ni Pangilinan si Villar na muling tumakbo sa susunod na presidential election matapos gawing halimbawa si dating US President Richard Nixon na naranasan din umanong matalo bago mahalal na pangulo ng Amerika.

Halos ganito rin ang ginawa ni Recto matapos sabihing meron pang presidential elections sa 2016.

CHRISTMAS PARTY FRANCIS PANGILINAN JOKER ARROYO MISTULANG PANGILINAN PANGULONG AQUINO PRESIDENT RICHARD NIXON RALPH RECTO SENATORS MANNY WEDNESDAY CLUB
  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with