^

Bansa

'Willing Willie' humataw sa ratings!

- Butch M. Quejada -

MANILA, Philippines - Mainit, masaya at ma­damdamin ang naging pagsalubong ng mga fans sa pagbabalik sa telebisyon ni Willie Revillame, kasabay ng pagratsada sa ratings ng debut show ng Willing Willie sa TV5.

Sa timeslot na 5:00 to 7:00 p.m. nitong weekend ay nakopo ng Willing Willie ang audience share na 33.8% upang ilampaso ang mga nakasabay na shows ng ABS-CBN na Ang Darling kong Aswang The Movie (30.4%) at TV Patrol (29.7%), gayundin ang Wish Ko Lang (28.8%), 24 Oras (27.6%), at Kaya Ng Powers (22.7%) ng GMA 7.

Agad nagpaulan ng papremyo si Willie kung saan ay ibinulsa ng studio audience na si Mardie ang P20,000 na jackpot sa 123 Go! Sa Wil Time Big Time, 18 contestants ang nanalo ng P500,000 o P27,777 bawat isa.

Maging ang mga celebrity na sina Chokla, Iya Villana, Le Chaz at Jaya ay umuwing masaya matapos manalo ng P25,000 bawat isa sa balloon-popping game Family Apir. Isang televiewer, si Fernando, ang nagwagi rin ng P25,000 sa Wall of Fortune jackpot round.

Madamdamin ang pagbabalik ni Willie sa telebis­yon kung saan ay panay magagandang bagay lang ang kanyang ipinarating maging sa kanyang dating network na nagpilit pang ipahinto ang Willing Willie sa paghingi ng temporary restraining order (TRO) sa korte.

Ngunit ibinasura ng korte ang TRO petition ng ABS-CBN dahil wala anya itong basehan.

Matapos ang isang countdown habang di magkamayaw ang fans, isang nakangiting Willie Revillame ang pumasok sa studio set, kasabay ng pagsasabing: “Akala ko hindi na tayo magkikita! Kayo ang nagbibigay ng lakas ng loob sa akin... “Salamat po. Ang hangarin namin, bigyan kayo ng saya. Buo ang pamilya sa hapag-kainan, nandito po ang Willing Willie para sa inyo.”

Umusok rin ang internet sa hyper-activity bunsod ng Willing Willie, na pumang-apat sa global trending ng pinaka-pinag-uusapang topic sa Twitter.

Inulan rin ng hits ang youtube videos na may kinalaman sa Willing Willie, habang dinagsa ng fan emails ang host.

vuukle comment

ANG DARLING

ASWANG THE MOVIE

FAMILY APIR

IYA VILLANA

KAYA NG POWERS

LE CHAZ

WALL OF FORTUNE

WILLIE

WILLIE REVILLAME

WILLING WILLIE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with