Contraceptives nakaka-cancer?

MANILA, Philippines - Posible umanong nagmumula ang sakit na cancer lalo na sa mga babae sa paggamit ng contraceptives kung kaya’t hindi dapat na gumagamit nito ang pamilyang Filipino.

Ayon kay dating Philippine Medical Association (PMA) president Dr. Primitivo Chua, siya mismo ay nakasaksi na isang babae ang gumamit ng contraceptives upang maiwasan ang pagbubuntis subalit nagkaroon naman ito ng breast cancer na naging dahilan ng kanyang kamatayan.

Sinabi ni Chua na isang Pro-life advocate, hindi lamang ang babae o lalaki, mag-asawa o pamilyang Filipino ang sinisira nito kundi maging ang lipunan.

Show comments