MANILA, Philippines - Mas mahabang gabi kaysa araw ang mararanasan ngayon ng mga Pinoy matapos ang panahon ng taglagas o autumnal equinox nitong nakaraang Septyembre 23.
Ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), ang mahabang gabi ay bunsod ng paglapit ng araw sa equator.
Kahapon ang araw ay sumikat ganap na alas 5:46 ng umaga at lumubog ganap na alas 5:45 ng hapon.
Ito ang unang pagkakataon ngayong taon na ang gabi ay mas mahaba kaysa sa araw.
Sa panahon ng taglagas na naganap nitong September 23, ipinahiwatig ng Pagasa na ang araw ay mas mahaba sa gabi sa pagsikat nito ganap na alas 5:45 ng umaga at paglubog ganap na alas 5:52 ng hapon.
Nagaganap ang autumnal equinox o taglagas kapag ang araw at gabi ay may halos pantay na haba sa earth.
Ipinababatid ng Pag-asa na ang araw ay nanatiling pareho ang panahong itinagal bilang gabi hanggang Biyernes, kapag ang araw ay sumikat sa ganap na alas 5:46 ng umaga at lumubog sa ganap na alas 5:46 ng hapon.