Smart Pinoy job fair sa OFW

MANILA, Philippines - Naglunsad ng job fair ang Smart Communications,Inc. (SMART) sa mga taga-North Luzon sa San Fernando, La Union. Tinaguriang ‘Smart Pinoy Biyaheng Abroad Job and Fun Fair’ ang programa ng SMART kung saan dinaluhan ng iba’t ibang international at local placement at manning agencies. Sumuporta rin ang mga kawani ng SSS, NBI at NSO na nagsipagdalo upang mapabilis ang proseso sa pag-aapply para sa mga naghahanap ng trabaho. “Ang ‘Biyaheng Abroad Job and Fun Fair 2010’ ay isa sa mga programa ng SMART na ang layunin ay makatulong sa mga OFWs at sa kanilang mga pamilya,” pahayag ni Kathy Carag, hepe ng SMART International Services Marketing. Namigay din ang SMART ng samu’t saring papremyo tulad ng bagong Nokia cellphones, load, Hellow reloadable cards at halagang aabot sa P.1 milyon. Ang programa ay pinangunahan ng komedyanteng host na sina Joy Viado, MC, Lassey ng Laffline at maging ang Pinoy pop rock band na Aegis at Francine Prieto ay dumalo.

Show comments