Unitrans nagbayad sa Benguet tragedy victims

MANILA, Philippines - Nagsimula nang magbayad ang Universal Transport Accident Insurance Solutions Inc. (Unitrans) sa mga kaanak ng nasawi sa nahulog na bus sa Baguio City kamakailan kung saan 41 katao ang nasawi at 8 ang nasugatan.

Ayon kay Unitrans president Ma. Paulette Chanchico, umaabot na sa P720,000 ang death benefits na kanilang nabayaran sa mga pasahero ng Eso-Nice bus na nahulog sa bangin habang patungong Baguio City kamakailan.

Wika pa ni Chan­chico, P60,000 ang ibi­nabayad nila sa kaanak ng nasawi sa trahedya habang P12,500 naman sa mga malubhang nasugatan.

Aniya, ito ay bahagi ng All Risk, No Fault policy program ng LTFRB na Passenger Personal Accident Insurance Program.

Nanawagan din ang Unitrans sa mga kaanak ng mga biktima na agad na makipag-ugnayan sa kanilang tanggapan para maia­yos ang mga benepis­yo ng mga ‘legitimate benificaries’.

Show comments