MANILA, Philippines - Umapila sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang League of Cities of the Philippines (LCP) sa pangunguna ni Caloocan City Mayor at LCP Chairman of the Board Enrico “Recom” Echiverri na protektahan ang Republic Act 9009 ng Local Government Code.
“Nakasaad sa R.A. 9009 na dapat mayroong land requirement na 150,000 square kilometers, annual income na P100 M as certified by the Department of Finance at may populasyon na 100,000 ang isang munisipyo bago maging ganap na siyudad,” sabi ni Echiverri.
Nakiusap din si Echiverri at ang LCP na may 122 miyembrong siyudad sa mga mambabatas na suriing mabuti ang nakasaad sa R.A.9009 that practically mandates the conversion of municipalities into cities dahil sa 16 na munisipyo ang naging siyudad kahit na hindi ito nakapasa sa ipinag-uutos ng batas.
Nangangamba rin ang LCP na kung hindi susundin ang nakasaad R.A. 9009 maaring lahat ng munisipa lidad ay puwede ng maging siyudad o kahit na isang barangay puwedeng maging siyudad na rin.
Ipinababatid din ng LCP na hindi naman sila tutol sa mga munisipalidad na nais maging ganap na siyudad subalit kailangang maka pasa muna ang mga ito sa mga requirements na nakatakda at nakasaad sa R.A.9009.