^

Bansa

Belgium suportado ang Laguna de Bay rehab

- Butch M. Quejada -

MANILA, Philippines - Suportado ng pama­halaan ng Belgium ang Laguna de Bay Rehabilitation Project na idinisenyo ng Baggerwerken Dec­loedt En Zoon (BDC).

Ayon sa BDC, ginawa ang negosasyon para sa proyekto sa Belgium ma­karaang ang kumpanya ay magsagawa ng siyen­tipikong pag-aaral sa la­wak ng siltation sa 94,900-ektaryang lawa, ang ikat­long pinakamalaki sa Asya.

Ang proyekto ay supor­tado ng Brussels, sa pa­mamagitan ng Office National Du Ducroire-Na­tionale Delcrederedienst (OND), ang Export Credit Agency ng gobyerno ng Belgium.

Kinumpirma din ng Department of Finance (DOF) na garantisado ng OND ang loan at ang kabuuang approved cost na 273 million euro, o P18.523 billion noong Oktubre 2009, ay ipi-finance ng OND.

Ang gobyerno ng Pili­pinas ay hindi gumugol kahit isang sentimo para sa analysis ng lake bed at sa sampling ng sediments upang malaman ang lawak ng kontaminasyon ng industrial at agricultural effluents.

Idinagdag ni Detilleux na ang kumpanya niya lamang ang tanging naka­pag-package ng “feasible project” para sa lawa, na isa ding catch basin na maa­ aring makapagligtas sa Ka­lakhang Maynila sa pag­baha, at maaaring ma­ka­pagpainam sa kalidad ng tubig sa lawa, na kapag lumaon ay posibleng pag­kunan ng inuming tubig para sa 14 milyong resi­dente ng metropolis lake­shore areas­ .

vuukle comment

ASYA

AYON

BAGGERWERKEN DEC

BAY REHABILITATION PROJECT

DELCREDEREDIENST

DEPARTMENT OF FINANCE

EN ZOON

EXPORT CREDIT AGENCY

OFFICE NATIONAL DU DUCROIRE-NA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with