^

Bansa

20% VAT exemption ng mga seniors, epektibo na

-

MANILA, Philippines - Nagsimula na kahapon na magamit ng mga lolo at lola ang 20 porsiyentong VAT exemption sa anumang bibilhin at serbisyo.

Kasabay nito, nilinaw ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang ilang probisyon ng Expanded Senior Citizens Act of 2009 bago lubusang mapakinabangan ng mga senior citizens.

Ayon kay Social Welfare Sec. Dinky Soliman, partikular na pinaplantsa pa rito ang probisyon para sa P500 cash na ibibigay sa mga lolo at lolang nasa poverty line o mga mahihirap.

Sinabi ni Soliman na mayroon walong milyong household na maituturing na mahihirap at aalamin nila kung may kasama ritong senior citizen.

Gayundin sa mga diskuwento sa tubig at kuryente ay inaayos pa ng kagawaran para matiyak na mga mahihirap talaga ang mapagkakalooban nito.

Batay sa batas, wala ng ipapataw na value added tax sa produktong bibilhin ng mga senior citizens tulad sa pagkain, panonood sa sine, bakuna, pagpapa-chek-up, at iba pang serbisyo tulad ng transportasyon (eroplano, shipping, bus, dyip, taxi).   

Nakapaloob din sa RA 9994 na mabigyan ng minimum na P2,000 death benefits ang pinakamalapit na kamag-anak ng isang namatay na senior citizen at magkaroon ng “senior citizens ward” sa lahat ng ospital ng gobyerno sa bansa.

Inatasan naman ang Department of Health na magbigay ng libreng bakuna laban sa influenza virus at pneumococcal disease ang mga indigent senior citizen patients.

Nagbabala si Soliman sa mga establisimyentong hindi susunod sa batas na maaari silang mapatawan ng multa at makulong ng mula anim na buwan hanggang isang taon. (Doris Franche/Angie dela Cruz/Malou Escudero)

vuukle comment

DEPARTMENT OF HEALTH

DEPARTMENT OF SOCIAL WELFARE AND DEVELOPMENT

DINKY SOLIMAN

DORIS FRANCHE

EXPANDED SENIOR CITIZENS ACT

MALOU ESCUDERO

SENIOR

SOCIAL WELFARE SEC

SOLIMAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with