Pagcor, BIR, PCSO chiefs nanumpa na kay P-Noy

MANILA, Philippines - Nanumpa kay Pangulong Benigno Aquino III kahapon ang bagong pinuno ng Pagcor, BIR at PCSO sa Malacañang.

Itinalaga ni Pangulong Aquino ang kanyang matalik na kaibigan at kaklase sa Ateneo de Manila University (AdMU) na si Cristino “Bong” Naguiat bilang chairman ng Pagcor. Nagsilbi na ito sa Pagcor sa panahon ng Estrada administration.

Nanumpa din bilang BIR chief si Kim Jacinto-Henares na manugang ng kolumnistang si Larry Henares. Nagsilbi na din ito bilang deputy commissioner ng BIR mula 2003-2005.

Pinanumpa din ni P-Noy bilang bagong chair ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) si Margie Juico. Ito ay dating appointment secretary ni yumaong Pangulong Cory at maybahay ni dating DAR chief Philip Juico sa panahon ni Cory.

Show comments