^

Bansa

Outgoing Defense Chief magbabalik-eskuwela

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Babalik sa paaralan si outgoing Defense Secretary Norberto Gonzales kaugnay ng pagtatapos ng termino nito bilang miyembro ng Gabinete ng administrasyong Arroyo.

Sa ginanap na despidida nitong Biyernes ng gabi, sinabi ni Gonzales na nagkapag-enroll na siya sa San Carlos University sa Cebu City bilang Architecture student.

Aniya, bagaman nag-umpisa na ang klase ay makakaya pa rin niyang makahabol sa mga susunod na araw dahil nasa ‘orientation stage’ pa lamang ang mga freshmen students na magiging kaklase niya sa nasabing kurso.

Dahil isa na siyang propesyunal ay maaring ma-credit na ang iba niyang mga subject. Ang tanging kondisyon sa kaniya ng pangulo ng nasabing unibersidad na kaniyang kaibigan ay bawal ang mamulitika sa loob ng campus, bagay na kaniyang irerespeto.

Nabatid na si Gonzales ay isang pre-med na mahilig sumubok ng iba’t-ibang aralin.

Sa harap naman ng inaasahang pagiging abala ni Gonzales sa nasabing kurso na kaniyang ipupursige ay tiniyak nitong magiging aktibo siya sa itatatag na ‘Shadow cabinet  ‘ na ang magiging trabaho ay maging watchdog ng papasok na administrasyong Aquino.

Idinagdag pa ni Gonzales na tinapos na niya ang kani­yang pag-iimpake sa kaniyang tanggapan sa Camp Aguinaldo nito pang nakalipas na linggo.

vuukle comment

ANIYA

AQUINO

BABALIK

BIYERNES

CAMP AGUINALDO

CEBU CITY

DAHIL

DEFENSE SECRETARY NORBERTO GONZALES

GONZALES

SAN CARLOS UNIVERSITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with