^

Bansa

10 OFWs sugatan sa Venezuela robbery

- Ni Ellen Fernando -

MANILA, Philippines - Sampung overseas Filipino workers (OFWs) ang malubhang nasuga­tan matapos na pasukin ng grupo ng mga mag­na­na­kaw ang kanilang tinitir­hang bahay kama­kalawa ng gabi sa Trinidad, West Indies.

Ayon sa nakarating na ulat sa Embahada ng Pilipinas sa Caracas, Venezuela, walo sa mga Pinoy ay nagtatrabaho bilang construction wor­ker sa PCCL Construction Company na pag-aari ng Gavin Seemun­gal habang ang dalawa ay mga trabahador sa isang sakahan.

Sa unang report sa Philippine Consulate General, ang Pinoy na nagtamo ng saksak sa katawan at mga sugat sa ulo ay kini­lalang si Roel Borro­meo, 28, bunga ng na­sa­bing pag-atake.

Nabatid na mahim­bing umanong natutulog ang 10 OFWs dakong alas-10 ng gabi nang big­lang pasukin ng anim na kalalakihan na pa­wang armado ng mga baril at patalim.

Agad na pinagtatad­yakan ang mga nakahi­gang Pinoy at hiniling sa kanila na ilabas ang kani­lang pera at maha­hala­gang kagamitan.

Tinangkang manla­ban at tumakas ng mga biktima hang­gang sa pagpapaluin at pag­sasaksakin sila ng mga di kilalang suspek.

Bukod kay Borro­meo, tatlo pa sa kanila ang nasaksak sa kata­wan at kasalukuyang ginaga­ mot sa paga­mutan.

Isa sa mga Pinoy ang nagawang makalundag sa bintana at humingi ng tulong sa kanilang mga kapitbahay.

Nang magresponde ang pulisya ay nakata­kas na ang mga suspect dala ang mga pera, cellphones, camera, at iba pang mga gamit ng mga biktima kabilang na ang kanilang mga pasa­porte.

Ayon sa Philippine Consulate General sa Trinidad, tinutugis na ng Trinidad Police ang mga suspect gamit ang tracker dogs at helicopter upang madakip ang mga ka­watan.

Dahil sa kanilang si­napit, hiniling nila sa kanilang employer na agad silang mapauwi sa Pilipinas.  

vuukle comment

AYON

CONSTRUCTION COMPANY

GAVIN SEEMUN

PHILIPPINE CONSULATE GENERAL

PILIPINAS

PINOY

ROEL BORRO

SHY

TRINIDAD POLICE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with