2 bagong City tinanggap ng LCP

MANILA, Philippines - Tinanggap ng League of Cities of the Philippines (LCP) na pinamumunuan ni Mandaluyong City Mayor Benhur Abalos bilang ba­gong kasapi ang Dasma­riñas City at Biñan City sa kanilang grupo.

Sinabi ni Mayor Abalos, hindi sila tutol sa pagiging lung­sod ng mga munisipa­lidad kundi ang nais nila ay dapat maging handa na ang isang munisipyo na maging lungsod.

“The LCP is not against any initiative on the part of a municipality to be converted into a city. However, what we strongly object is the conversion of a municipality that is not yet, by itself, prepared to become a city,” paliwanag pa ni Abalos.

Inaasahan din ng 122-member ng LCP na papa­ya­­gan na rin ng Korte Su­prema ang 16 na cityhood laws upang maging lung­sod ang may 16 na muni­sipalidad.

Aniya, dapat ay may­roong average na locally-generated income na P100 milyon ang isang munisi­ pa­lidad bago maging lung­sod na nakasaad sa RA 9009 bukod sa pagka­karoon ng populasyong mahigit 150,000.

Idinagdag pa ni Abalos, may mga bayan na ninais na manatiling munisipali­dad sa kabila ng pagiging kwalipi­kado nito na maging lungsod tulad ng Cabuyao, Cainta, Bacoor, Imus at Taytay.

Show comments