Gibo patuloy na umaarangkada

MANILA, Philippines - Patuloy na umaarang­kada si Lakas-Kampi-CMD presidential bet Gilbert “Gibo” Teodoro matapos manguna sa pinakaba­gong survey ng foreign owned CIG (Campaigns and Image Group) polling and research company mula sa period ng April 19-23 sa paghablot ng plus 7 percentage points tungo sa total 33%.

Si Gibo na may slogan na “Sulong Gibo” ay angat ng isang puntos kay Na­cionalista Party presidential bet Sen. Manuel Villar na may 32% matapos ma­­tap­­yasan ng isang porsiyento.

Natapyasan din si Liberal Party presidentiable Sen. Noynoy Aquino ng apat na porsiyento para manatili sa ika-3 puwesto na may 21%.

Naniniwala ang mga eksperto, dahil na rin sa batuhan ng putik ng kampo nina Aquino at Villar, at mga kontrobersiya na kinasasangkutan diumano ng dalawa nag-uuntugang grupo ang naglagay para mahulog sa ika-2 at ika-3 puwesto.

Nanatili naman sa ika-4 puwesto si Puwersa ng Masang Pilipino presidential bet Erap Estrada na may 5%. Umangat din ng 1% si Bangon Pilipinas presidential bet Bro. Eddie Villa­nueva na may naipong 2%, na tabla kay Bagum­bayan presidential bet Sen. Dick Gordon.

Una rito, isang mil­yong boto ang pinangako ng magkapatid na Cebu Gov. Gwen­dolyn Garcia at Cebu Rep. Pablo John Garcia kay Gibo sa May 10 elections.

Show comments