^

Bansa

Botante minaliit daw ni Roxas

- Butch M. Quejada -

MANILA, Philippines - Tinawag na mata­pobre ni PDP-Laban President Aquilino “Koko” Pimentel III si Sen. Mar Roxas nang maliitin nito ang desisyon ng mga botante nang ipahayag niya sa ilang major newspapers na ang pinaglala­banan na lamang sa vice presidential race ay ang ikalawang puwesto.

Ayon kay Pimentel, nakalulungkot lamang ang paniwala ni Roxas na utang na loob na dapat bayaran ng mga mama­mayan sa kanya ang vice presidency dahil nagbi­gay-daan siya kay Sen. Noy­noy Aquino. Aniya, nais nilang ipaalala kay Roxas na ang vice presidency ay hindi basta maaangkin.

Ang PDP-Laban ay bahagi ng United Opposition, isang koalisyon ng PDP-Laban at ng Pu­wersa ng Masang Pili­pino ni dating Pangulong Joseph Estrada.

Sinabi ni Pimentel na ang pangmamaliit ni Roxas sa mga botante ay “nagpapakita ng tunay nitong karakter.”

Lumalabas na hindi matanggap ni Roxas ang katotohanang ang isang tulad ni Jojo Binay, na hindi tulad nang pinang­galingan niyang angkan, ay maaaring maging mahigpit niyang kalaban na posible pang maka­sira sa kanyang mga plano.

Napaulat na sinabi ni Roxas na ang vice presidential race ay labanan lamang sa pangalawang puwesto nina Binay at Sen. Loren Legarda.

Ayon pa kay Pi­mentel, sa nalalabing mga araw ng kampanya, ang PDP-Laban at ang mga volunteer groups na sumusuporta kay Binay ay patuloy na magta­trabaho nang mabuti.

vuukle comment

AYON

BINAY

JOJO BINAY

LABAN

LABAN PRESIDENT AQUILINO

LOREN LEGARDA

MAR ROXAS

MASANG PILI

ROXAS

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with