^

Bansa

23 barangay leaders para kay Mercado

-

MANILA, Philippines - Tuluyan nang lumantad ang may 23 barangay leaders para ihayag ang kanilang suporta kay Vice Mayor Ernesto Mercado bilang kandidato sa pagka-alkalde ng Makati City.

Lantaran at matapang na nagpahayag ang 23 barangay leader mula sa 33 kabuuang barangay para kay Mercado sa darating na halalan.

Sinabi ng tagapagsalita ni Mercado na si Chito Salud na hindi natakot at naduwag ang mga lider na sumusuporta kay Mercado kahit kaliwa’t kanan ang natatanggap na pananakot sa kanila kahit binalaan pa ang mga ito na babaklasin ang campaign materials ni Mercado sa kanilang mga bahay-bahay at kakasuhan ng mga paglabag sa trapiko.

Dahil dito, nagpapasalamat si Salud sa mga village leaders sa matapang na pagpapahayag ng kanilang paniniwala at pagiging bigilante upang masigurong magiging maaayos at mapayapa ang nalalapit na halalan.

Buong puso rin ang pasasalamat ni Mercado sa mga village leader dahil pagtitiwala at pagbibigay ng mga ito ng suporta sa kanyang kandidatura.

vuukle comment

BUONG

CHITO SALUD

DAHIL

LANTARAN

MAKATI CITY

MERCADO

SINABI

TULUYAN

VICE MAYOR ERNESTO MERCADO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with