Bro. Eddie, suportado sa Pangasinan

MANILA, Philippines - Titiyakin ng mga libu-libong tagasuporta ni Bangon Pilipinas presidential bet Bro. Eddie Villanueva sa Pangasinan na magiging number one siya sa presidentail elections sa Mayo 10 sa naturang lalawigan.

Dinumog ng may 3,000 mamamayan ng Dagupan City si Villanueva at mga senatoriable ng Bangon Pilipinas sa kanilang pagdating sa Dagupan City Plaza para sa  isinagawang meeting de avance noong Sabado ng gabi.

Nangako si Villanueva sa mga Pangasinense na kapag nahalal siya bilang Pangulo ng bansa ay kanyang tututukan at sosolusyonan ang tinagurian nitong tatlong kanser sa bansa - ang korupsyon, kawalan ng hustisya at kahirapan. 

Ipapatupad din ni Villanueva ang pagpapaunlad sa sistema ng edukasyon sa bansa at titiyakin niya na walang isang mahirap na bata ang hindi makakapag-aral at makakatapos sa kolehiyo.

Show comments