^

Bansa

Reporter, comatose sa heat stroke

-

MANILA, Philippines - Isang reporter ng DZME ang comatose nga­yon sa ospital ma­tapos na atakihin ng heat stroke habang nagre-report kaha­pon ng umaga sa may Ilustrado Restaurant, Intra­muros, Maynila.

Alas-10 ng umaga, nang bigla na lamang bu­magsak si Romulo “Molly” Angeles, 55, ng Marilao, Bulacan sa kalagitnaan ng kanyang panayam kay Ali Atienza na siyang kuma­tawan kay dating DENR Secretary at Mayoralty candidate Lito Atienza, sa lingguhang CBCP forum na ginanap sa Ilustrado Rest.

Sinabi ni Mike Al­monte, ng DZAR, mag­katabi sila sa upuan ni Angeles nang bigla na lamang sumubsob sa hita ni Ali habang kina­kapa­nayam.

Kaagad namang isi­nu­god sa Manila Doctors Hospital si Angeles gamit ang sasakyan ni Ali, pero hanggang sa isinusulat ang balitang ito ay “comatose” pa rin si Angeles.

Sinabi ni Almonte, na­ki­angkas pa sa kanyang motorsiklo si Angeles pa­punta sa Ilustrado at wala namang sintomas na ina­atake na bagama’t naka­ka­panibago na nakiang­kas ito sa isang kasa­mahan dahil may sarili naman itong motorsiklo.

Gayunman, nabatid na may dati nang sakit na hypertension si Angeles at posibleng ang napaka­init na panahon ang nag­paig­ting sa kanyang kon­disyon. (Doris Franche)

vuukle comment

ALI

ALI ATIENZA

ALMONTE

DORIS FRANCHE

ILUSTRADO REST

ILUSTRADO RESTAURANT

LITO ATIENZA

MANILA DOCTORS HOSPITAL

MIKE AL

SHY

SINABI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with