Retired Manila cops inindorso si Razon

MANILA, Philippines - Pormal nang sinusuportahan ng Manila’s Finest Retirees Association ang kandidatura ni dating Philippine National Police Chief Sonny Razon para sa pagka-alkalde ng Maynila.

Isinagawa ng grupo ang desisyon sa isa nilang asemblea noong nakaraang linggo sa Malate sa lunsod. Pinangunahan ito ng kanilang presidente na si Col. (ret) Felicisimo Lazaro. 

Ipinasya nilang iendorso si Razon matapos niyang ihayag ang plano niya na, kapag nahalal siya, tutulungan niyang mabigyan ng kaukulang gratuity ang mga retiradong pulis at kanilang pamilya at pagtatayo ng programa para sa pension, kabuhayan at social service.

“Utang ko kung ano ako ngayon sa Manila police,” sabi ni Razon na dating director din ng Manila Police District na dating kilala bilang Western Police District.

Sinabi ni Lazaro na inani ni Razon ang respeto ng mga opisyal at tauhan ng MPD dahil sa mabuti niyang pamumuno rito noon.

Show comments