'Inilaglag ako ni Fred Lim' - Erap
() - March 30, 2010 - 12:00am

MANILA, Philippines - Hindi na napigilan ni dating Pangulong Joseph Estrada ang matagal nang kinikimkim na sama ng loob sa kanyang dating matalik na kaibigan na si Manila Mayor Alfredo Lim.

Sa isang kick off rally sa Tondo, Maynila tahasang sinabi ni Estrada na “sinu­ngaling” si Lim kung saan inisa-isa nito ang dahilan ng kanyang sama ng loob sa Alkalde.

Sinabi ni Estrada na nagsinungaling si Lim noong Edsa 2 kung saan nagpaalam lamang ito sa kanya na lalabas upang payapain ang taong bayan subalit nadiskubre niya na sumama na rin ito sa kalsada upang patalsikin siya sa puwesto.

Nang makabalik si Lim sa pagka-alkalde ng lunsod ay nangako ito kay Estrada na hindi pakikialaman ang kaibigang si konsehal Dennis Alcoreza dahil sa isyu ng Vitas slaughter house.

Ayon kay Estrada, hindi tinupad ni Lim ang kanyang pangako at sa halip ay kinaladkad pa ng mga tauhan nito na parang baboy palabas ng slaughter house si Alcoreza.

Ayon pa kay Erap lahat ng kahilingan pa sa kanya ni Lim ay pinagbigyan niya dahil sa pag-aakalang mabuti at tapat itong kaibigan subalit nagkamali pala ito dahil isang “sinungaling” na kaibigan pala ang kanyang pinagbibigyan.

“Kung sa isang konsehal nagagawa niyang kaladkarin na parang baboy paano pa kaya ang isang ordinaryong tao” pagtatanong pa ni  Erap.

Nilinaw pa ng dating Pangulo na malaki ang kanyang pagsisisi ng suportahan at i-endorso ang dating kaibigan na isang sinungaling.

ALCOREZA ALKALDE AYON DENNIS ALCOREZA EDSA ERAP LIM MANILA MAYOR ALFREDO LIM MAYNILA PANGULONG JOSEPH ESTRADA
  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with