Pinoy drug mule kulong

MANILA, Philippines - Isang Pilipinong gina­wang drug courier ang sinentensyahan ng Dubai court ng 10 taong pagka­bilanggo dahil sa pagpu­puslit ng cocaine sa United Arab Emirates ng nakali­pas na taon.

Sa report ng Khaleej Times, bukod sa pagkabi­langgo ay inatasan din ni Judge Hamad Abduljawad ng Dubai Criminal Court of First Instance ang akusa­dong Pilipino, 27-anyos, na pansamantalang iti­nago ang pangalan, na magbayad ng halagang Dh50,000 o P622,742 bilang multa o danyos.

Base sa rekord ng korte, ang nasabing Pili­pino ay inaresto matapos na makuhanan ng 99 kap­sula ng cocaine na inilagay ang 37 piraso sa tiyan nito na tumitimbang ng 1.25 kilogramo makaraang lu­ma­pag sa Dubai International Airport noong April 18, 2009. (Ellen Fernando)

Show comments