^

Bansa

Mayon sasabay sa full moon

- Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines - Tuluy-tuloy ang pagkalma ng bulkang Mayon sa nakalipas na 24 oras ngunit nananatili pa rin ito sa alert level 4 bunga ng mga senyales na nakikita na maari pa itong sumabog.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), bagama’t tahimik ang Mayon nanatiling mapa­nga­nib ito dahil sa namumuong magma sa loob na maaring bu­mulwak patungo sa bunganga ng bulkan na magdudulot ng pagsabog.

Nauna rito, pinalalagay ni Julio Sabit, science research specialist ng Phivolcs na ang mararanasang full moon sa unang araw ng Enero ay ma­kaka-apekto sa galaw ng magma sa loob ng bulkan ngunit minimal lamang dahil inihalintulad sa tubig-dagat na nahahatak ng buwan pataas.

Ngunit ayon sa Phivolcs, ang ganitong teorya umano ay magkakaroon lamang ng epekto depende sa layo ng buwan sa mundo. Gayunman, hindi nila inaalis ang ganitong teorya bunga na rin ng mga may naganap na kahalintulad na pangyayari simula nang su­mabog ito ng makailang ulit sa mga nakaraang taon.,

Dahil dito, inihayag din ng Phivolcs na maliit lamang ang tsansa ng ganitong sitwasyon, subalit ang pinakamainam aniyang dapat gawin ay ang ibayong paghahanda sa lahat ng oras upang makaiwas sa mapanganib na sakuna.

Sa loob ng 24 oras, ang aktibidad ng bulkan ay pangka­raniwang may paglabas ng lava at paggulong ng mga baga nito sa may bangin. Ngunit kahapon ay nagbago ng timpalada ang bulkan kung saan naobser­bahan ang kawalan ng ash explosions habang natatabunan ito ng makapal na ulap.

Base sa Seismic monitoring, may 60 volcanic earthquakes ang naitala at 267 pagdausdos ng bato ang naganap bunga ng pagkabakbak ng mga labang iniluwa ng bulkan. Ang sukat ng Sulfur Dioxide (SO2)  na inila­bas nito ay nasa average value na 1,158 tonelada kada araw.

Samantala, dahil maraming mga residente ang matitigas ang ulo na ayaw umalis sa ka­nilang mga tahanan sa kabila ng banta, inatasan na ng Albay provincial government dito ang pagpuputol ng suplay ng kuryente.

Ayon kay Gov. Joey Sal­ceda, maraming mga maku­kulit na evacuees ang gusto nang bumalik sa kanilang mga taha­nan kaya ipinasya niyang ipa­putol na ang suplay ng kuryente dito sa Napocor at local power utility Albay Electric Cooperative (Aleco).

Bukod sa kuryente, maging ang suplay ng tubig ay damay na rin para hindi na mahikayat ang ilang residente na magtu­ngo sa tinawag na danger zone.

Nitong Miyerkules, ilang mga matitigas na ulong resi­dente ang napa-ulat na nanatili sa kanilang tahanan kung kaya nangamba ang lokal na pama­ha­laan sa peligrong kasa­sa­pitan ng mga ito sa sandaling mang­yari ang inaasahang pag­sabog ng Mayon. 

vuukle comment

ALBAY ELECTRIC COOPERATIVE

AYON

JOEY SAL

JULIO SABIT

MAYON

NGUNIT

NITONG MIYERKULES

PHIVOLCS

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with