CEB, PAL umapela sa 'bird strike'

MANILA, Philippines - Nanawagan ang Cebu Pacific at Philippine Airlines sa mga opisyal ng Civil Aviation Authority of the Philippines at Manila International Airport Authority na bigyang pansin ang tumataas na bilang “bird hazards” sa mga pali­paran sa bansa.

Ayon kay CEB Director of Safety Capt. Felipe Timola Jr., tumaas ang bilang ng nasabing insi­dente kung saan noong 2008 ay 14 kaso lang nito ngunit umakyat ito sa 54 noong October 2009. Ito din aniya ang nagiging dahilan ng pagkaantala ng flight o kanselasyon nito.

Anila, ang mga pali­paran sa Manila, Iloilo at Puerto Princesa ang may pinakamaraming insi­dente ng bird strike sa taong ito. Kabilang din dito ang Ba­colod, Cebu, Clark, Kalibo at Ozamiz.

Dina­luhan din ng ilang tauhan ng Department of Environment and Natural Resources ang naturang miting. (Butch Quejada)

Show comments