BI accreditation center inilunsad

MANILA, Philippines - Upang mapaganda pa ang frontline services at maalis ang eradicate red tape, naglagay ang Bureau of Im­migration (BI) ng bagong new center na inatasang suriin at magbigay ng accreditation sa daan-daang travel agencies at law offices na nakikipagtransaksiyon sa ahensiya.

Inilabas kamakailan ni Immigration Commissioner Nonoy Libanan ang isang memorandum order na lilikha sa BI Accreditation Center na pamumunuan ni BI Asso­ciate Commissioner Roy Almoro at babantayan at patatak­buhin ng limang empleyado ng BI.

Ayon kay Libanan, ang paglikha ng accreditation center ay bahagi ng hangarin ng ahensiya na bigyan ng de-kalidad na serbisyo ang mga nakikipagtransaksiyon sa kanila, partikular ang mga dayuhan na nagpoproseso ng papeles.

Sinabi naman ni Almoro, na siya ring namumuno ng composite committee for good governance ng ahensiya, na ang accreditation center ang in-charge sa pagsilip sa profile at background ng lahat ng travel agencies at law offices na hihingi ng accreditation at authority to transact sa ahensiya.(Butch Quejada)

Show comments