Panibagong rollback

MANILA, Philippines - Nagpatupad ng pa­nibagong rollback sa presyo ng kanilang ga­solina, kerosene at diesel ang Pilipinas Shell Corp. epektibo kaninang ha­tinggabi.

Sa isang pahayag, tatapyasan nila ng P.75 sentimos kada litro ang halaga ng lahat ng pro­dukto nilang gasolina, premium o unleaded at maging ang kanilang kerosene. Babawasan naman ng P.50 sentimos kada litro ang diesel. 

Ang rollback ay bun­sod umano ng patuloy na pagbaba ng halaga ng krudo sa internasyunal na merkado at inaasahan pang bababa sa mga darating pang linggo.

Wala pang abiso ang Petron at Chevron ngunit inaasahan na susunod ang mga ito sa galaw ng Shell maging ang iba pang mga oil players sa bansa. (Danilo Garcia)

Show comments