^

Bansa

DTI todo bantay sa mga bilihin sa 'Ber Months'

-

MANILA, Philippines - Maaga pa lang ay nagsasagawa na ngayon ng pagbabantay ang Department of Trade and Industry (DTI) sa mga bilihin at gamit para sa Kapaskuhan upang matiyak na walang pagmamalabis sa presyo ngayong sumapit na ang “Ber Months”.

Sinabi ni DTI Undersecretary Zenaida Maglaya na magpapakalat sila ng mga inspektor sa mga supermarket, palengke at mga tindahan upang mamonitor ang kanilang mga presyo, matiyak na de-kalidad ang mga produkto at maagang maiwasan ang pagkalat ng mga “smuggled” na mga produkto.

Unang tinututukan ng DTI ang presyo ng mga produktong gawa sa arina tulad ng mga pasta at noodles. Kabilang rin dito ang presyo ng baboy na kung tataas ang halaga ay maaapektuhan rin ang presyo ng hamon.

Sinabi ni Maglaya na iniiwasan nila na may maganap na “trending” o “conditioning” sa papataas na presyo ng mga produkto dahil sa napakalayo pa umano ng Kapaskuhan dahil kapapasok pa lamang ng buwan ng Setyembre. (Danilo Garcia)

vuukle comment

BER MONTHS

DANILO GARCIA

DEPARTMENT OF TRADE AND INDUSTRY

KABILANG

KAPASKUHAN

MAAGA

MAGLAYA

SINABI

UNDERSECRETARY ZENAIDA MAGLAYA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with