Self-quarantine kay GMA

MANILA, Philippines – Sasailalim lang si Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo sa self-quarantine makaraang bumalik dito sa Pilipinas mula sa opisyal na pagbisita sa Brazil, Japan at Hong Kong.

Ito ang inihayag ni Press Secretary Cerge Remonde kaugnay ng inasahang pagdating kagabi ng Pangulo sa Ninoy Aquino International Airport.

Binawalan din ng pangasiwaan ng NAIA ang media coverage sa pagdating ng Pangulo.

Ayon kay Remonde, self-quarantine lang ang isasagawa ng Pangulo kung sakaling may indikasyon na nahawahan ito ng influenza AH1N1 virus.

Samantala, napaulat na pitong tauhan ng Philippine Navy ang isinailalim sa quarantine nang makitaan ng sintomas ng AH1N1. (Rudy Andal, Ellen Fernando at Joy Cantos)


Show comments