November 27-28, non-working holiday

MANILA, Philippines - Idineklara ni Pangu­long Arroyo na national holiday ang Eid’l Adha tu­wing November 27-28 hindi lamang sa Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) kundi sa buong bansa.

Sa ipinalabas na Proclamation 1808 ni Pangu­long Arroyo, ang isa sa malaking pagdiriwang ng mga Muslim sa bansa na Eid’l Adha tuwing November 27-28 ay dapat lamang ipagdiwang hindi lamang ng mga Muslim kundi pati ng mga Kristiyano.

Nakasaad pa sa kautu­san ni Mrs. Arroyo, dapat lamang na maging national holiday ang Eid’l Adha o feast of sacrifice tulad ng pagdiriwang ng mga Kristi­yano sa Pasko, Easter Sunday at All Saint’s Day.

Inamyendahan ng na­sa­bing kautusan ng Pa­ngulo ang Republic Act 9492 na nagtatakdang regional holiday ang pagdi­wang ng Eid’l Adha tu­wing November 27-28 sa ARMM. (Rudy Andal)

Show comments