Beso-beso sa AFP bawal

MANILA, Philippines - Pinagbawalan din muna ni Armed Forces of the Philippines Chief of Staff Gen. Victor Ibrado ang mga sundalo na mag-beso-beso dahil sa pagkalat ng influenza AH1N1 virus sa bansa.

Ito ang nabatid kahapon kay AFP-Public Information Office Chief Lt. Col. Romeo Brawner na nagsabing tinata­gubilinan nila ang mga sundalo na maging malinis sa kata­wan, maghugas lagi ng kamay at iwasan ang pakiki­pag­kamay o beso-beso sa ibang tao.

Binawalan rin ang mga sundalo na gumala sa mga lu­gar na merong H1N1 tulad sa Jaen, Nueva Ecija.

Nilinaw naman ni Brawner na sa kasalukuyan ay wala pang mga sundalo o maging mga kampo ng militar na apek­­tado ng kumakalat na kinatatakutang virus. (Joy Cantos)

Show comments