MANILA, Philippines – Pinalaya na ng mga Somali pirates ang 22 ang mga Pinoy seamen noong Sabado sakay ng dalawang barko.
Nabatid na unang pinalaya ang MT Napiya na isang Greek-owned chemical tanker na may lulang 19 na tripulante, na kinabibilangan ng 18 Pinoy.
Ang naturang barko ay sinalakay noong Marso 25, at pinalaya noong Sabado ngunit hindi pa batid kung may kapalit itong ransom money.
Pawang nasa mabuti naman umanong kalagayan ang 18 tripulanteng Pinoy gayundin nag Russian captain nito, at naglalayag na patungo sa ligtas na bahagi ng karagatan.
Pinalaya rin ng mga pirata ang 32,000-ton na Malaspina Castle, na may lulang apat na Pinoy seamen na na-hijacked sa Gulf of Aden noong April 6.
Dahil sa naturang development, umaabot na lamang sa 54 ang bilang ng mga Pinoy seamen na kasalukuyang hawak ng mga pirata, na sakay ng apat na barko. (Mer Layson)