3 pang Pinoy seamen dinukot sa Somalia

MANILA, Philippines - Sa kabila ng ibina­bang kautusan kamaka­lawa ng pamahalaan na deployment ban sa mga Pinoy sea­men sa Somalia, tatlo na namang Pinoy ang na­du­kot at naidag­dag sa bilang ng mga hostages kahapon ng madaling-araw.

Kinukumpirma na ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang ulat na tatlong Pinoy sa 10 crew ng Belgian-flagged Pom­pei ang kasamang tina­ngay ng mga Somali pirates.

Ayon sa report ng NATO fleet na nagpa­patrol sa Gulf of Aden, nasabat at sinalakay ng mga pirata ang nasabing barko sakay ang 10 crew sa karaga­tang sakop ng Seychelles islands at saka dinala ang hinayjack na barko at mga bihag sa Somalia.

Kasama rin sa 10 crew na binihag ang apat na Croa­tians, dalawang Belgians at isang Dutch national.

Naitala na umaabot na sa 18 barko ang na-hijack o hawak ngayon ng pirata habang 310 ang seamen na bihag kabi­lang na ang mga Pinoy na umakyat sa 108 ang kabu­uang bi­lang. (Ellen Fernando)

Show comments